Protesta sa karahasan sa Sabah umabot na sa cyberspace
MANILA, Philippines - Umabot na sa “cyberspace†ang protesta sa nagaganap na karahasan sa Sabah sa pagtugis sa armadong grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III makaraang salakayin ng mga nagpakilalang Pinoy hackers ang website ng isang Malaysian school.
Sa ulat, kapag binuksan ang website ng Stamford College ng Malaysia na www.stamford.edu.my, lalabas ang dialogue box na may nakasulat na “Philippines/ #OpReclaim.â€
Nagpakilala ang hacker bilang “Kismet-07†ng “Anonymous Cebu,†at binalaan pa ang pamahalaan ng Malaysia sa umano’y pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas.
Sinasabing ang pagha-hack sa naturang website ay sagot ng mga Pinoy hacker sa mga Malaysian na nauna umanong nang-hack sa ilang Philippine website.
Samantala, ikinakasa naman ng grupong Muslim na Balik-Islam Movement (BIM) at grupong Gaus Baugbog (Kapit-Bisig) ang paglusob sa Malaysian Embassy sa Makati City at pagsasagawa ng kilos-protesta.
Sinabi ni Al Hadj Oswoldo Carbonel ng Balik-Islam Movement, aapela rin sila sa United Nations, European Union at Secretary of State ng Estados Unidos upang makialam na sa nangyayari upang hindi na ito lumaki pa ang gulo. Pupunta rin umano sila sa Malacañang sa pag-asang haharapin ni Pangulong Benigno Aquino III.
Pinag-aaralan na rin ng grupo kung paano makapagpapadala ng pagkain at gamot sa mga kapwa nila Muslim sa Sabah matapos magpatupad ng food blockade ang Malaysian authorities.
- Latest