MANILA, Philippines - Isang baklang hairstylist ang masuwerteng tumama ng solo ng P81 milyon jackpot sa nakaraang Feb. 27 Grand lotto 6/55 draw.
Ang 55-anyos na parlorista na mula sa Las Piñas City ay nag-iisang nasungkit ang kumbinasyong 21-20-23-18-13-11 na kumbinasyon ng mga kaarawan ng kanyang mga ampon at kanyang mga magulang.
Sinabi ng bagong milÂyonaryo kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, araw-araw siyang tumataya ng lotto at inaalagaan niya ang nasabing kumbinasyon sa loob ng 10 taon.
Plano nito na magtayo ng kanyang sariling beauty parlor, bumili ng sariling house and lot, pag-aralin ang kanyang mga ampon at tumulong sa mahihirap.
Natuwa naman si GM Rojas sa plano ng bagong milyonaryo dahil tulad ng PCSO ay nais din nitong tumulong sa mas nangangailangan nating kababayan.