P50 M bidding sa BI niluluto
MANILA, Philippines - Minamadali umano ng ilang “bugok†sa Bureau of Immigration ang P50 million halaga ng pasubasta nila dalawang linggo mula ngayon para gamitin sa 1st pace ng kanilang Automated Fingerprint Identification System o AFIS project sa kanilang computer system.
Ayon sa reliaÂble source, isang Jimmy M, alyas ‘baklita, ang sinasabing nagmomonopolyo sa BI-AFIS project kasabwat umano ang ilang bugok sa Immigration para sa grupo nila ma-award ang P50 million 1st pace ng BI-AFIS project.
Sabi ng source, noong isang taon pa raw niluto ng mga kasabwat ni Jimmy M, alyas ‘baklita’ ang AFIS project kaya naman may mga pumapalag na bidder na gustong sumaÂli dahil ilang linggo lamang ito inabiso para sa subasta.
Bulong ng source, ganito ang ginawang istilo para hindi na makahabol ang mga gustong sumali dahil na rin sa kakapusan sa oras para sa paggawa o preparasÂyon sa kanilang dokumentong isusumite sa BI-BAC.
Tatlong pace raw ang gagawing subasta sa BI pero ang matatalo sa 1st pace ay hindi na puedeng lumahok sa mga susunod o continuation ng AFIS project.
Ayon pa sa source, alam ng nasa IT business na ang sistema ay dapat buo kung tatapusin dahil marami ang interesado sa PPP.
Sabi ng source, ang boarder control ay mahaÂlaga sa bansa at tiyak na hindi papayag si Pangulong Noynoy Aquino kung bulok ang gagawin sa BI.
- Latest