MANILA, Philippines - Pansamantalang bibigyan ng security escort ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidatong may pagbabanta sa kanilang buhay habang naghihintay pa na maaprubahan ang kanilang request na security detail sa Comelec. Ito’y sa gitna na rin ng umiinit na election fever sa bansa kaugnay ng halalan sa Mayo 13 kung saan ilang kandidato na ang pinaslang.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang hakbang ay kasunod ng direktiba ng Comelec kaugnay ng 30 day Temporary Security Detail (TDS) para mabigyan ng proteksyon ang mga kandidatong may mga death threat ngayong election period. Magmumula ang escort sa PNP, AFP, NBI at mga pribadong security ageny sa bansa na inawtorisa ng Comelec.