MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng “gender equalityâ€, hinikayat ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga botante na ihalal ang 6 babaeng kumakandidato para sa pagka-senador.
Iginiit din ni Santiago na pagdating ng 2016, dapat ng magkaroon muli ang bansa ng babaeng presidente.
Ginawa ni Santiago ang pahayag sa 5th Filipino Entrepreneurship Summit na dinaluhan ng nasa 3,000 kababaihan kahapon sa World Trade Center, Pasay City.
Ayon aniya sa National Statistical Coordination Board, sa nakaraang 2010 elections, nasa 21.4 porsiyento lamang ang nahalal na babae.
Ipinunto pa ni Santiago na sa 15 naging pangulo ng bansa, dalawa lamang sa mga ito ang babae.
Iginiit din ni Santiago na dapat ng pairalin sa bansa ang “quota system†para sa mga kababaihan sa public service na pinaiiral na sa ibang bansa katulad ng South Africa, India, Finland, Argentina, at France,†ani Santiago.