‘Pork’ ng 4 solons napunta sa fake NGO

MANILA, Philippines - Paiimbestigahan sa Senado ang ulat na naka­ kuha ng pondo ang isangbogus na non-go­vern­ment organization mula sa pork barrel ng 3 senador at isang kongresista batay sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, nais nilang malaman kung paanong nakakuha ng pondo ang isang pekeng NGO upang makilala kung sino ang mga nasa likod ng ano­malya.

Sa ulat ng COA, mayroong P201 milyon na pork barrel nina Sens. Es­trada, Bong Re­villa, Se­nate President Juan Ponce Enrile at Bu­hay Partylist Rep. Rene Velarde na napunta sa ZNAC Ruber Estate Cor­poration, isang NGO na ibinigay naman nito ang P194.97 mil­yon sa Pang­kabuhayan Foundation Inc.

Nauna rito, nilinaw ni COA Chairperson Ma. Gracia M. Pulido Tan na hindi naman ang mga mam­babatas ang kanilang iniimbestigahan kundi ang NGO na sabit sa pagkuha ng pondo.

 

Show comments