^

Bansa

Utak sa Boracay slay tukoy na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisilip na ang partisipasyon ng isang kila­lang negosyante sa Boracay na siya uma­nong “utak” sa pamamaslang kay Dexter Condez, lider ng Boracay Ati Tribal Orga­ni­ zation (BATO) sa Ka­libo noong Pebrero 22.

Kumakalap na lang umano ng sapat na ebi­densiya ang mga im­bes­tigador bago pormal na ibisto sa publiko ang kanyang pagkatao.

Nitong Martes ay si­nampahan na ng kasong murder sa Aklan Provincial Prosecutor’s Of­ fice ang “gunman” na si Daniel Celestino, security guard ng Global Asset Protection na nakabase sa Cebu at may kontrata naman para magbigay ng seguridad sa Crown Regency Resort sa Boracay.

Pauwi na ang grupo ni Condez sa Ati tribal community sa Bgy. Manoc-manoc nang malapitan umano siyang barilin ng walong beses ni Celestino na agad tumakas ma­tapos ang insidente.

Positibo naman si da­ting PNP spokesman at ngayon ay Western Visa­yas regional police director, Chief Supt. Agrimero Cruz sa pagkakilanlan kay Celestino batay sa testimonya ng ilang witness.

Noong Enero 21, 2011, pinagkalooban ng gobyerno sa pamamagitan ng National Commis­sion for Indigenous People­ (NCIP) ng titulo para sa 2.1 ektaryang lupa ang Ati tribe matapos ma­pa­tunayang sila ang orihinal na tribong naninirahan sa isla ng Boracay.

Abril nang nakaraang taon, pormal nang ino­kupa ng tribo ang ibinigay na lupa sa kanila ng gobyerno ngunit marahas umano itong tinutulan ng Crown Regency at dala­wa pang kalapit na private resorts.

Noong nakaraang Nob­yembre, muling­ nagkainitan ang Ati tribe sa pangunguna ni Condez at ang Crown Regency Resort sa pangunguna naman ni Teddy Jime­ nez, resident manager, matapos umanong wasakin ng mga security guards ng resort ang ‘perimeter fence’ na ini­lagay ng tribo upang bakuran ang lupang na­ibigay sa kanila.

Samantala, sabit din umano sa krimen ang isang “lady friend” ng isang kilalang mi­yembro ng Kongreso na siya umanong “broker” ng nasabing negos­yan­te sa mga iligal na transaksyon sa lupa sa Boracay katulad ng pagbebenta sa lupain ng Ati tribe.

AGRIMERO CRUZ

AKLAN PROVINCIAL PROSECUTOR

ATI

BORACAY

BORACAY ATI TRIBAL ORGA

CELESTINO

CHIEF SUPT

CROWN REGENCY RESORT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with