MNLF tutulong kay Kiram
MANILA, Philippines - Handa umano ang mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MILF) na pinamumunuan ng kanilang founder at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari na sumuporta sa royal army ng Sultanate of Sulu na napapaligiran ng Malaysian forces kapag nadamay na ang mga sibilyan sa nagbaÂbadyang bakbakan.
Sa panayam, sinabi ni Misuari na bagaman wala silang direktang pakikialam sa nagaganap na standoff sa Lahad Datu, Sabah ay handa naman silang tumulong sa mga Pinoy o kapatid na Muslim na madadamay sa karahasan sa Sabah.
Nilinaw din ni Misuari na hindi naka-red alert ang MNLF na handang umatake sa Sabah taliwas umano sa napaulat.
Kahapon ay kinumpirma ng namumuno sa Sultanate Royal Army na nasa Lahad Datu na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram, ang tumatayong crown prince ng SultaÂnate of Sulu at kapatid ni Sultan Jamalul Kiram III, na may anim na commando ng Malaysian forÂÂces ang tinangkang pasukin sila sa Tanduao village sa Lahad Datu.
Napilitan umanong mag-warning shot ang mga naka-alertong royal army sa Tanduao village kaya umatras ang anim na armadong ipinadala ng Malaysian authorities.
Kinumpirma rin ni Rajah Muda na may umikot na helicopter sa kanilang lugar at nagbagsak ng mga papel na nagsasabing sumurender na ang mga ito.
Sa kabila nito, muÂling nagmatigas si Rajah Muda at sinabing lahat ng kanyang mga kasamahan ay hindi aalis sa Lahad Datu.
Binigyang-diin ni Rajah Muda na kung gusto talagang matapos ang standoff ay dapat na diÂrektang kausapin ng MaÂlaysian government si Sultan Kiram.
Hiniling na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palawigin pa ng Malaysia ang itatakdang ultimatum o taning sa may mahigit 200 Pinoy na dumagsa sa Lahad Datu noong Pebrero 9 upang angkinin ang mga lupa sa Sabah na umano’y pag-aari ng angkan ng mga Kiram.
Samantala, kumikilos na ang Malaysian seÂÂcurity units kabilang na ang kanilang army bilang paghahanda sa pag-aresto o pagsalakay.
- Latest