^

Bansa

39 pa importers, brokers winalis

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines - Tumaas pa ang bilang ng mga importer at brokers na tinanggalan ng accreditation para mag-angkat ng bigas. Nabatid kay Customs Commissioner Ruffy Bia­zon, nitong Pebrero 20, 2013 ay 39 pang impor­ters at brokers ang inalis sa listahan ng Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) unit na isang programa ng BoC upang sugpuin ang illegal smuggling par­tikular ang rice smuggling sa bansa. Bukod ito sa 14 kumpanya at kooperatiba na nauna ng tinanggalan ng accreditation noong nakaraang linggo. Nabatid kay Biazon na sa 39 importer at broker na tinanggal na sa listahan, ang 16 dito ay pawang mga koope­ratiba na walang track record at ang iba naman ay maliliit na kumpanya na hindi nakapag-comply sa ibang requirements na itinakda ng BoC sa kanila. Sa kasaysayan ng BoC ay tinatayang uma­bot na sa 170 kabuuang bilang ng mga importers at broker ang inalis na sa listahan ng ICARE na maituturing na pinakamataas sa kasaysayan ng ahensiya.

vuukle comment

ACCREDITATION

BIAZON

BUKOD

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIA

INTERIM CUSTOMS ACCREDITATION AND REGISTRATION

NABATID

PEBRERO

SHY

TUMAAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with