MANILA, Philippines - Maging ang text brigade ng mga pulitiko ay babantayan na rin ng Comelec.
Naniniwala si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na ang text messaging ay ginagamit hindi lamang sa pangangampanya ng isang kandidato kundi para na rin siraan ang kanilang mga kalaban.
Bagaman nasa hurisdiksiyon o nasasakupan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company, nais pa ring alamin ni Brillantes kung sinu-sino ang nagpopondo sa text brigade at kung gaano kalaki ang ginugugol dito.
Kumbinsido si Brillantes na habang papalapit ang botohan ay lalo pang darami ang mga isyu at campaign violators.