Summer na

MANILA, Philippines - Dapat nang itago ng publiko ang kanilang mga gamit panlamig tulad ng jackets at ilabas na ang maninipis at mapepreskong mga kasuotan dahil sa ikalawang linggo ng Marso ay papasok na ang summer season.

Ayon kay PagAsa ad­ministrator Nathaniel Servando, unti-unti nang humuhupa ang northeast monsoon o ang hanging amihan na nagmumula sa hilagang silangan ng ating bansa na indikasyon ng pagsisimula ng summer sa Pilipinas.

Sa ganap na pag-iral anya ng panahon ng tag-init sa ikalawang linggo ng Marso ay la­lakas naman ang easterly wind o ang mainit na hangin na nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Gayunman, mananatili pa rin umano ang mga kaulapan at paminsan min­sang pag-ulan sa ilang bahagi ng ating bansa.

Show comments