MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng pensyon ang mga preso kahit ang mga ito ay nagdurusa sa bilangguan ng pang-habambuhay. Ito’y makarang magsanib puwersa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at SSS sa pagbibigay benepisyo sa mga tinaguriang “persons deprived of liberty (PDL)â€. Maaring magbayad ang mga preso ng kanilang SSS contribution sa pamamagitan ng araw-araw na pagbayad ng P10 mula sa microsavings program na tinaguriang “AlkanSSSya.â€
Sa mababang halagang P312.00 kada buwan na aggregate premium payments, ang isang preso ay makakakuha ng kabuuang pension coverage. Isang staff ng SSS ang itatalaga para kumulekta mula sa “Alkansya†(piggy bank) kada katapusan ng buwan para sa remittance sa depository bank ng SSS.