MANILA, Philippines - Hindi kailanman piÂnapayagan sa Pilipinas ang “embryonic stem cellâ€.
Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Bioethics, ito’y dahil nagmumula ang stem cell na ito sa aborted fetus at makukuha lamang ito kung papatayin o patay na ang sanggol.
Nilinaw naman ni Bishop Oliveros na tanggap naman ang adult stem cell sa bansa dahil hindi ito sanhi ng kamatayan ng isang taong pagkukunan nito. Ang stem cell therapy ay mabisang medical procedure sa paggamot ng mga sakit.
Nagpahayag din ng pangamba ang Doctors for Life na dadami ang kaso ng abortion sa Pilipinas dahil sa stem cell theraphy.
Paliwanag ni Dr. Rey Dechavez ng Doctors for Life na isa sa mga pinanggagalingan ng stem cell ang mga aborted fetus at egg cell ng kababaihan.
Aminado din ang PhiÂlippine Society for Stem Cell Medicine na magpo-promote ng abortion sa bansa ang stem cell dahil kailangan munang pataÂyin ang mga sanggol para makuha ang kanilang stem cells.
Sinabi ni PSSCM spokesman Dr. Leo OlarÂte, nakakaalarma ang ganitong senaryo dahil ito ay immoral, illegal at unethical na laganap sa ibang bansa gamit ang mga aborted babies.
Kaugnay nito, pinapa-imbestigahan din ni Olarte ang mga ulat na ginagamit na rin sa Pilipinas ang mga stem cell ng mga aborted babies para sa pagpapaganda.