^

Bansa

Indelible ink ng lowest bidder sa Comelec sablay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sablay umano ang indelible ink na iprinisinta kahapon ng lowest calculated bidder sa Commission on Elections na gagamitin sana ngayong May 13 national at local elections.

Mismong kinatawan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay hindi bumilib sa isinalang na indelible ink ng Centurian and Jedaric Chemicals Inc., dahil kung ikukumpara sa mga nakalipas na halalan, malayung-malayo ito.

“Not impressive because karamihan naman sa atin dito na nandirito ngayon have already voted di ba? We saw an indelible ink. There is a mark na medyo bilog dito sa may cuticle it depends on the extent of place of the indelible ink,” wika ni Arwin Serrano.

Kapuna-puna rin aniya ang madaling pagkakabura sa mga ink nito na inilalagay sa daliri. “Sometimes smaller nasa gitna, sometimes larger area na napupunta hanggang sa pinakadulo. It depends on the amount of the ink that was placed by the BI (board of inspector). Pero dito sa nakita natin, wala tayong nakitang mga markings sa middle portions ng cuticle,” dagdag pa ni Serrano.

May 14 katao ang isi­nalang sa pagsusuri sa Comelec kahapon. Bawat isa sa kanila ay nilagyan ng indelible ink sa kanilang hintuturong daliri saka pinatuyo sa ilalim ng sikat ng araw. Matapos ang 30 minuto, bawat isa sa kanila ay pinagamit ng tubig, sabon, alcohol, ascorbic acid, thinner, gasolina, brake fluid, kamias, acetone and diesel para burahin ito.

Kitang-kita ng mga nakasaksi kung gaano ito mabilis na nabura.

Ang Centurian and Jedaric Chemicals Inc. ang itinuturing na pinaka-lowest bidder dahil sa bid price na P68 million, samantalang ang ikalawang lowest bidder na hindi naisalang kahapon sa pagsusuri ay ang Asa Color-Topbest Printing Corp. na may bid na P73 million.

Para kay dating Solicitor General Frank Chavez, abogado ng Asa-Color-Topbest, hindi na niya kailangang magsalita pa kung gaano kahina ang iprinisintang indelible ink ng kanilang kalaban dahil kitang-kita na madali itong mabura.

Gayunman, dahil may proseso, hihintayin na lamang nila na madeklarang disqualified ang itinuturing na lowest bidder.

Sinabi ni Serrano na hindi dapat masakripisyo ang kuwalidad ng indelible ink dahil lamang sa murang halaga. Aniya, mala­king tulong ang indelible ink tuwing sumasapit ang halalan lalo”t automated election ngayon.

Gayunman, ayaw munang ideklarang disqualified ng PPCRV ang Centurian and Jedaric Chemicals dahil marami pang pagsusuring gagawin dito.

ANG CENTURIAN AND JEDARIC CHEMICALS INC

ARWIN SERRANO

ASA COLOR-TOPBEST PRINTING CORP

CENTURIAN AND JEDARIC CHEMICALS

CENTURIAN AND JEDARIC CHEMICALS INC

GAYUNMAN

INDELIBLE

INK

PARISH PASTORAL COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with