MANILA, Philippines - Inilabas na ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) ngayong buwan na ito ang limited edition “Jawo†bottle bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng dating Barangay Ginebra playing coach na si Robert “Big J†Jaworski.
Ang shrink wrap “bilog†bottle ay inilunsad sa pagdaraos ng Panagbenga Festival sa Baguio City kung saan ipinanganak ang tinaguriang “Living Legend†sa larangan ng basketball noong ika-8 ng Marso 1946. Ang kanyang ama ay isang Polish-American at Filipina naman ang kanyang ina.
Pinasikat ni Jaworski ang “never-say-die†attitude sa kanyang paghawak sa Barangay Ginebra San Miguel team na nanalo ng apat na kampeonato sa Philippine Basketball Association (PBA). Dinala si Jawo ng kanyang kasikatan sa Senado noong 1998 at matapos ang ilang taon ay iniretiro ng PBA ang kanyang No. 7 jersey noong 2012.
Ang paglulunÂsad ng limited edition Jawo bilog bottles ay bahagi rin paunang pagdiriwang ng Ginebra San Miguel ng ika-180 nitong anibersaryo sa 2014 at bilang pasasalamat sa milÂyun-milyong tuÂmaÂÂtangkilik ng GiÂnebra San Miguel sa buong mundo mula pa noong 1834.