^

Bansa

Ginebra San Miguel, nagbigay-pugay kay Jawo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inilabas na ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) ngayong buwan na ito ang limited edition “Jawo” bottle bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng dating Barangay Ginebra playing coach na si Robert “Big J” Jaworski.

Ang shrink wrap “bilog” bottle ay inilunsad sa pagdaraos ng Panagbenga Festival sa Baguio City kung saan ipinanganak ang tinaguriang “Living Legend” sa larangan ng basketball noong ika-8 ng Marso 1946. Ang kanyang ama ay isang Polish-American at Filipina naman ang kanyang ina.

Pinasikat ni Jaworski ang “never-say-die” attitude sa kanyang paghawak sa Barangay Ginebra San Miguel team na nanalo ng apat na kampeonato sa Philippine Basketball Association (PBA). Dinala si Jawo ng kanyang kasikatan sa Senado noong 1998 at matapos ang ilang taon ay iniretiro ng PBA ang kanyang No. 7 jersey noong 2012.

Ang paglulun­sad ng limited edition Jawo bilog bottles ay bahagi rin paunang pagdiriwang ng Ginebra San Miguel ng ika-180 nitong anibersaryo sa 2014 at bilang pasasalamat sa mil­yun-milyong tu­ma­­tangkilik ng Gi­nebra San Miguel sa buong mundo mula pa noong 1834.

BAGUIO CITY

BARANGAY GINEBRA

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BIG J

GINEBRA SAN MIGUEL

JAWO

JAWORSKI

LIVING LEGEND

PANAGBENGA FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with