MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 100 katao ang inilikas matapos ang landslide sa isang pamayanan sa Brgy. Coronan, Sta. Cruz, Davao del Sur, ayon sa ulat nitong Lunes.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), naitala ang landslide dakong alas-4 ng madaling araw nitong Sabado sa Purok Cadena de Amor sa Brgy. Coronan ng nabanggit na bayan.
“The incident was triggered by the continuous moÂderate to heavy rain that hÂad prevailed over the region,†pahayag ni NDRRMC ExeÂcutive Director Eduardo del Rosario.
Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang kinukupkop sa evacuation center sa nasabing lugar.
Wala namang iniulat na nasugatan at nasawi sa nasabing insidente kung saan maraming mga kabahayan ang naapektuhan din sa landslide.
Samantalang namahagi na rin ng relief goods ang disaster management team at lokal na pamahalaan sa mga pamilyang sinalanta ng landslide dulot ng mga pag-ulan.