MANILA, Philippines - Tinatayang nagkakahalaga ng P6.7 milyon ang nasabat na smuggled cellphones at dalawang empleyado ang naaresto ng mga tauhan ni BoC Com. Rosano “Ruffy†Biazon, kamakailan.
Kinilala ni Biazon ang dalawang kawani ng Windfreight Express Total Logistics ang inaresto na sina Narciso Briones at John Jamilla Bernardion, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 3601 and 3609 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) na ngayon ay nasa custody ng BoC.
Sinabi ni Biazon, ang dalawang kawani ay nasangkot umano sa pagpupuslit ng 793 pirasong smuggled Cloud Fone Thrill 430X cellular phones, na nagkakahalaga ng Php 6,167,161.00 at nadakip ang mga ito sa San Marcelino St., Maynila kamakailan lamang. Aniya, ang mga nakumpiskang Cloudfone Thrill smartphones ay kanilang i-o-auction upang makabawi ng buwis ang gobyerno.
Muling nagbabala si Biazon sa mga nais na kumita ng malaki at madalian sa pamamagitan ng pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa na hindi sila makakaligtas sa kampanya ng ahensya.