^

Bansa

Sako-sakong Vietnam rice pinaiimbestigahan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng partylist group na Abono ang nasabat na sako-sakong smuggled Vietnam rice ng Bureau of Customs, na nagkakaha­laga ng P9-M at hubaran kung sino ang mga nasa likod nito.

Duda ang Abono Party List na ang 35 smuggled rice sa 20-footer container van na nahuli ng mga tauhan ni BoC Deputy Commissioner Danilo Lim ay walang consignee at wala umanong nagmamay-ari ng mga ito at nalaman pa rin na hindi ito masampahan ng kaso sa DOJ.

Ang mga smuggled Vietnam rice ay nasabat ng mga taga Customs sa Phividec, Tagoloan, Misamis Oriental.

Ayon sa grupo, dapat kilalanin at imbestiga­han kung sino ang mga consignee at may-ari ng mga smuggled Vietnam rice na nasabat umano ng mga tauhan ni Lim.

Nananawagan din ang grupo sa DoJ na magsagawa ng imbestigayon sa naging operasyon ng mga tauhan ni Lim.

Mahigpit ang kautusan ni Pangulong Aquino sa BoC na sakaling may masasabat na mga kahina-hinalang mga kargamento sa bansa ay kaagad na sampahan ng kaso sa korte.

 

ABONO

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

DEPUTY COMMISSIONER DANILO LIM

MISAMIS ORIENTAL

PANGULONG AQUINO

PARTY LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with