^

Bansa

POEA nagbabala sa alok sa internet na nursing jobs sa Singapore

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Phi­lippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga Filipino medical workers laban sa mga scammers na nag-aalok ng nursing jobs sa Singapore.

Nabatid kay Tan Zhiyi, ng Human Resource Division ng Singapore General Hospital, maraming inquiries silang natatanggap mula sa ilang manggagawang Pinoy hinggil sa authenticity ng mga job offers na natatanggap ng mga ito mula sa email addresses na [email protected][email protected] at [email protected].

Nakasaad umano sa email na hinihimok ang mga Pinoy workers na magtrabaho sa Singapore General Hospital.

Inaatasan din umano ng mga ito ang kanilang target victims na magbayad ng P3,800 para sa kanilang visa interview preparation fee sa isang bank account, na ayon kay Tan, ay hindi pagma-may-ari ng kanilang pagamutan.

Itinanggi rin naman ni Tan na galing sa kanila ang mga email dahil ang kanilang official email na ginagamit ay ang sgh.com.sg.

Upang mahikayat ang mga biktima ay sinasabihan umano sila ng mga scammers na wala silang babayarang placement fee at processing fee sakaling matanggap sa trabaho, at mayroon pang libreng accommodation at food allowance.

Gayunman, kinakaila­ngan nilang bayaran ang visa interview coaching at English/British language training bago sila papirmahin ng employment contract.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, ito rin ang istilo ng scammers na nagpapadala ng emails sa mga Pinoy workers at nag-aalok ng nursing at ca­ring jobs sa Queensway Carleton Hospital, Stevenson Memorial Hospital, Shouldice Hospital, at Fraser Health sa  Canada; Sydney Adventist Hospital sa Australia at iba pang kilalang pagamutan sa UK at USA.

Pinayuhan naman ni Cacdac ang mga Pinoy workers na huwag na lamang pansinin ang mga naturang emails upang hindi sila mabiktima ng mga ito.

Giit ni Cacdac, mas ligtas kung ang mga jobseekers ay magsusumite na lamang ng kanilang aplikasyon sa mga lisensiyadong recruitment agencies sa bansa.

ADMINISTRATOR HANS LEO J

CACDAC

FRASER HEALTH

HUMAN RESOURCE DIVISION

OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PINOY

QUEENSWAY CARLETON HOSPITAL

SINGAPORE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with