P11.24 M pinsala ni ‘Crising’ sa agri

MANILA, Philippines - Umaabot sa P11.24 milyon ang pinsalang iniwan sa paghagupit ng bagyong Crising sa ilang mga naapek­tuhang lugar sa bansa partikular na sa Mindanao.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, sa naitalang P11, 241,800 mil­yong pinsala, P10,087,300 M dito ay sa palayan; P710 ,000 sa gulayan at P444,500 sa maisan sa bayan ng Asuncion, Davao del Norte.

Nanatili naman sa apat ang nasawi, dalawa ang nawawala at apat ang nasugatan.

Sinabi ni del Rosario na ang bagyong Crising ay nakaapekto sa may 51,458 pamilya o 261,570 katao.

Ayon pa sa opisyal, bahagya lamang ang naging pinsala ni Crising kumpara sa mga nagdaang bagyo sa bansa noong nakalipas na taon kabilang ang supertyphoon Pablo.

Magugunita na nanalasa si Pablo sa Davao Oriental at Compostella Valley noong Disyembre 2012 at kumitil ng mahigit isang libong buhay habang nasa 834 pa ang nawawala.

 

Show comments