‘Armless pilot’ bumisita sa Pinas

MANILA, Philippines - Dumating kahapon sa bansa ang Filipino-Ame­rican na si Jessica Macabares Cox, na kilala bilang “armless pilot” upang mag­silbing ins­pirasyon ng mga tulad niyang may kapansanan na mamuhay ng normal.

Kasama ni Cox, 30, ang kanyang ina at asawa ng dumating sa NAIA 1 lulan ng PAL flight PR 103 mula Los Angeles para sa dalawang linggong bakasyon sa Samar na kanyang hometown.

Si Cox ay bihasa sa pagmamaneho ng sa­sak­yan, tumutugtog ng piano at naging Tae Kwon-Do martial art ex­pert bago natutong magpalipad ng ero­plano sa kabila ng kan­yang kalagayan.

“I fly with my feet, my right foot is on the yoke and my left in the throttle, I used both feet, no special equipment,” kuwento ni Cox sa kung paano niya pinapalipad ang single­-engine “Ercoupe”, isang two-seater, private aircraft.

Si Cox ay napabilang sa “Guinness Book of World Records” bilang world’s first person to earn a pilot’s license – without arms.

 

Show comments