Desisyon ng UNA nirerespeto nina Legarda at Escudero

MANILA, Philippines - Nirerespeto ng dalawang guest candidates na sina Senador Loren Legarda at Francis Escudero ang desis­yon ng United Nationalist Alliance (UNA) na alisin sila sa listahan ng kanilang senatorial candidates.

Sinabi ni Legarda na hindi umano siya naabisuhan tungkol sa desisyon pero gayunpaman hindi umano magbabago ang kanyang respeto sa liderato ng UNA.

“I have not been informed. If true, my respect for them will not change. They will continue to be my friends,” sabi ni Legarda.

Sa kabila ng desisyon, nagpasalamat pa rin ito sa UNA dahil sa pagkuha sa kanyang bilang isang guest candidate.

“I thank them for having us as guest candidates. From the very start, they knew my party, the NPC, was having coalition talks with the admin party. They still adopted me as guest and I thank them sincerely,” ayon pa kay Legarda.

Ipinaliwanag pa ni Legarda na ang kaniyang partidong pulitkal na NPC ay nakipag-kowalisyon sa Li­beral Party (LP) kaya natural lamang na isa siya sa mga opisyal na kandidato ng LP-NPC coalition.

Para naman kay Escudero, malaking kawalan umano sa kanya ang naging desisyon ng UNA subalit iginagalang nito ang kanilang pasya.

Posibleng dala lang umano ng pulitika ang na­ging desisyon na alisin sila sa senatorial list ng UNA. Sinabi ni Escudero na mananatili siyang ka­ibigan ng UNA.

Ayon naman kay NPC spokesman at Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, hindi makikipag-usap ang NPC sa UNA at ipauubaya na lamang nila kay Legarda ang magiging hakbang nito sa ginawa ng UNA.

 

Show comments