^

Bansa

Oil dereg law pinarerebisa

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang panibagong oil price hike, muling isinusulong ng isang mambabatas ang pagrepaso at pagrebisa sa oil deregulation law.

Sinabi ni House Deputy Minority leader Milagros Magsaysay, importante na rebisahin muna ang mga kasalukuyang batas tulad ng oil deregulation bago lumikha­ at magpatupad ng panibagong pagtataas.

Paliwanag pa ni Magsaysay, pinahihintulutan sa oil deregulation ang mga kumpanya ng langis na magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto ng hindi man lamang nababatid ng publiko kung marapat nga ba o hindi ang ipinatutupad na price hike.

Bukod dito nakakalungkot din umanong isipin na mistulang inutil ang pamahalaan na mapigilan ang naturang hakbang ng mga oil company sa bansa.

Ginawa ng kongresista ang pahayag bilang proteksyon umano sa panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ikaapat na beses na sa loob lamang ng nakalipas na dalawang linggo.

BUKOD

GINAWA

HOUSE DEPUTY MINORITY

MAGSAYSAY

MATAPOS

MILAGROS MAGSAYSAY

PALIWANAG

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with