Pagdiriwang ng ika-150 taong anibersaryo ng Pasay, sinimulan
MANILA, Philippines - Sinimulan na kahaÂpon ang mahabang seÂlebrasyon ng ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod ng Pasay sa darating na Disyembre 2 kung saan nakatutok sa pagiging “Travel City†ng lungsod.
Ipinagmalaki ni MaÂyor Antonino Calixto ang paglago ng lungsod bilang pangunahing destinasyon ng mga dayuhang turista sa Metro Manila dahil sa pagtataglay nila ng Ninoy Aquino International Airport, world class na mga casino, shopping mall, sports arena at mga cultural centers
Sa “kick-off cereÂmony†kahapon, inilunÂsad ang 150 logos at iba pang memorabilia base sa kaÂsaysayan ng lungsod. Magkakaroon rin ng Grand Parade, Gala Night, Awarding of Outstanding Pasayeños at Pasay Organizations, BiÂniÂbining Pasay at Ms. Teen Pasay, at Pasay Marathon hanggang sa aktuwal na anibersaryo sa Disyembre 2.
Kabilang sa mga progÂramang tututukan ng paÂmahalaang lungsod ay ang pagtapos ng kaÂnilang “relocation site†sa Taytay, Rizal para sa kanilang mga pamilyang maralita at pagtatatag ng isang “holding center†sa isang lupain malapit sa Manila International Airport para maging panÂÂsamantalang tirahan ng mga pamilya naman na matatanggal sa mga lugar na ididebelop para maging “in-city relocation siteâ€, dagdag na mga silid-aralan sa mga paaralan at pagtatayo ng Corazon C. Aquino National High School sa Maricaban, Pasay.
- Latest