MANILA, Philippines - Aaabot sa 148,000 pulis ang kinatawan ng Comelec para masiguro ang katahimikan at katapatan sa pagsasagawa ng 2013 midterm elections sa May 13.
Inutos na rin ni PNP Director General Alan Purisima ang mahigpit na monitoring sa pagpapadala ng mga pulis para maiwasan ang insidente kung saan ilan sa kanilang tauhan ay ginagamit sa operasyon ng pandaraya sa halalan.
Sinabi ni Purisima na vice chairman din ng National Task Force SAFE (Secured and Fair Elections), bumuo na sila ng ilang mekanismo na layuÂning imonitor ang deployment ng mga personnel mula sa mga police station at maliliit na units, base sa natutunan nilang aral noong nakaraang halalan.
Ang mga commanders at hepe ng mga bayan ang naatasan para tiyakin ang pang-araw-araw na deployment ng kanilang mga personnel.
Noong 2004 at 2007 elections, ilang military at police personnel ay nasangkot sa election cheating operations lalo na sa Mindanao.
Ang pinaka-naalala ay ang umano’y paggamit ng elite police units na pumuslit sa loob ng Batasan Pambansa sa Quezon City para palitan ang resulta ng halalan.
Bukod sa pandaraya sa halalan, tiniyak din ni Purisima na hindi sasama sa partisan politics ang kanilang mga tauhan.