Legislative works itutuloy ni Villar

MANILA, Philippines - Puspusan ang ginagawang kampanya ni dating Las Piñas City Rep. Cynthia Villar, isa sa mga kandidato sa pagka-senador ng Team PNoy, kaakibat ang pangakong ipagpapatuloy ang kanyang legislative works noong siya’y naupong kongresista.

“Nais kong ibahagi ang aking mga karanasan sa local level at ipatupad ang aking mga adbokasiya sa national level,” giit ni Villar na kilala sa bansag na “Misis Hanep Buhay” dahil sa mga naitayong mga livelihood projects sa 500 communities sa Las Piñas at higit 100 bayan sa buong Pilipinas.

Sa kanyang termino noong 12th, 13th at 14th Congress, naipasa ang mga mahahalagang batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga kababaihan, mga bata at pamilya. Kabilang sa mga ito ang Magna Carta of Women, anti-trafficking of women and children, anti-violence against women, protection of children in the workplace, juvenile justice system and the two versions of the Senior Citizens Act (2003 and 2010).

Bilang kongresista, sinuportahan din niya ang advanced systems of education gaya ng ladderized approach, distance learning and open university system.

Bagaman ang “Sipag at Tiyaga” (industry and patience) ay napakaha­laga para magapi ang kahirapan, binigyan-diin din ni “Misis Hanep Buhay” ang kahalagahan ng isang college degree para magtagumpay sa buhay.

 

Show comments