Pinas, Canada nagsanib vs terorismo

MANILA, Philippines - Upang palakasin ang samahan at pwersa ng Pilipinas at bansang Canada para sa kampanya kontra terorismo, ipinakita kahapon kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ng isa sa opisyal ng naturang bansa ang isang behikulong ginagamit sa paglaban sa mga terorista.

Ipinakita kay Biazon ni Sub-Lieutenant Deck Watch Keeper Chris Witters ang Auxiliary Uti­lity Vehicle na isa sa mga ginagamit ng Her Majesty Canadian Ship Regina. Ito ay isang uri ng Frigate Canadian Ship na ginagamit ng bansang Canada sa kanilang operasyon kontra terorismo.

Ang HMCS Regina ay bumisita sa bansa sa loob ng tatlong araw para palakasin ang samahan sa pagitan ng Pilipinas at Canada.

Kasama ni Biazon sina Deputy Commissioner for Internal Administration Lorenzo Tanada at Captain Glen Agudo ng Philippine Marine Corps nang ipakita sa kanya ni Witters ang naturang sasakyang pandagat.

Show comments