ID system aprub sa Kamara

MANILA, Philippines - Aprubado sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na nagtatakda ng Identification system para sa lahat ng Filipino na nasa Pilipinas at maging nasa ibang bansa.

Nakasaad sa House Bill 6895 o Filipino Identification system bill na inihain ni Albay 2nd district Rep. Al Francis Bichara na ang bawat Filipino ay dapat magkaroon lamang ng iisang ID na magagamit sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Sa ganitong paraan ay inaasahang mababawasan ang red tape sa gobyerno dahil magkakaroon na lamang ng isang data base ng impormas­yon para sa publiko.

Kapag tuluyan na umano itong naisabatas, ang bawat Pinoy ay kailangang mag-apply para makapagparehistro at maisyuhan ng non-transferable na Filipino ID card sa kanilang local civil registrars office.

Ang nasabing ID ay balido sa loob ng 10 taon at renewable din ito.

Maglalaman ito ng litrato, pangalan, petsa ng kapanganakan, petsa ng pag-iisyu ng ID, lagda at iba pang pertinenteng impormasyon ng may-ari nito.

Ang bawat maiisyuhan ng ID ay magkakaroon ng individual serial number mula sa National Statistics Office.

Maaari namang magmulta ng P500,000 at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon ang sinumang magbibigay ng maling impormasyon sa pag aapplyng ID o gagamit nito sa illegal na aktibidad.

Show comments