^

Bansa

100 armadong Pinoy ‘kinordon’ sa Sabah

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam na ng Department of Foreign Affairs ang ulat na may 100 armado at rebeldeng Pinoy mula sa Mindanao ang pinaliligiran ng Malaysian Police at security forces sa kasagsagan ng standoff sa eastern Sabah kahapon.

Sinabi ng Malaysian Police na “under control” ang sitwasyon sa Sabah bagaman sinasabing kinordon at napapalibutan na ng Malaysian secuirty forces ang lugar kung saan namumugad umano ang mga rebelde na pinaniniwalang nagmula sa Misuari breakaway group galing sa southern Philippines o Mindanao.

Hinihinala ng Malaysian authorities na ang mga armadong Pinoy sa Sabah ay mula umano sa mga tumiwalag na rebeldeng grupo dahil sa pagkadismaya sa nagaganap na “peace deal” sa pagitan ng Phl go­vernment at Muslim rebels sa Mindanao.

Gayunman iginiit ng pamahalaan na hindi armado ang nasabing mga Pinoy na nagtungo sa Sabah may ilang araw na ang nakalilipas matapos na umano’y pangakuan ng lupa para sa kanilang tirahan at manatili na doon. 

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GAYUNMAN

HINIHINALA

INAALAM

MALAYSIAN POLICE

MINDANAO

MISUARI

PINOY

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with