Senate probe sa Cagayan Port ihahain
MANILA, Philippines - Maghahain ng isang resolusyon si Senator Miriam Defensor-Santiago upang paimbestigahan ang patuloy na importasyon ng mga second hand na sasakyan sa Cagayan Special Economic Zone and Free Port (CSEZ) sa Port Irene.
Ayon kay Santiago, may dumating na namang mga bagong second na sasakyan noong huling Lunes ng Enero sa Port Irene sa kabila ng January 2013 ruling ng Supreme Court na nagba-ban sa importasyon ng mga sasakyan.
Maliwanag aniyang sinusuway ng mga importers ang kautusan ng SC.
Sa ruling ng SC na ipinalabas noong Enero 7, 2013 sa kasong Executive Secretary v. Forerunner Multi Resources, pinagtibay ng SC ang constitutionality ng executive order na nag-uutos ng partial ban sa importasyon ng mga second hand sa mga sasakyan.
Ipinalabas ni dating pangulong Gloria Arroyo ang Executive Order No. 156 para masawata ang smuggling sa bansa at upang masuportahan ang motor vehicle industry sa Pilipinas.
- Latest