^

Bansa

PNoy makakatipid ng P4.4 B

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakatipid ang gobyerno ni Pangulong Aquino ng mahigit P4 bil­yon kung hindi ibinasura ng DOTC Bids and Awards Committee (BAC) ang napanalunang proyekto ng joint venture ng Digitext Asia para sa P8.2 bilyon “computerization project” ng Land Transportation Office noong isang linggo.

Nanalo ang Digitext sa subasta para sa LTO computerization project sa alok nitong P3.8 bilyon

Ang halaga ay pinakamababa sa mga natanggap na alok ng DOTC-BAC mula sa tinatayang gastos para sa proyekto na P8.2 bilyon.

Bunga nito, higit na P4 bilyon ang natipid ng taumbayan para sa mo­dernisasyon ng LTO na naglalayong mapabilis ang pagrehistro ng mga sasakyan at sa pagkuha ng mga lisensiya. Inaasahan ding makatutulong ang proyekto sa pagsawata sa operasyon ng mga carnapping syndicates.

Gayunman, dinisqua­lify ang Digitext dahil “not valid” daw ang isinumite nitong mayor/business permit at walang “Bill of Quantity” (BOQ) ang detalye ng alok nito para sa LTO computerization project.

Ayon sa Digitext, nakalulungkot na tinanggap ni BAC chair, Usec. Jose Perpetuo Lotilla ang ulat ng BAC-Technical Working Group (TWG) na “not valid” ang kanilang business permit dahil lang sa ‘colatilla’ dito na hindi ito magiging epektibo sakaling mabigo ang aplikante na isumite sa Manila Business Permit Office (BPO) ang barangay clearance pitong araw matapos lumabas ang business/mayor’s permit.

“We are confident that after another review, the BAC would find everything in order as we have fully complied with all the requirements of the bidding,” anang Digitext sa media.

Ayon naman sa mga mapagkakatiwalaang impormante na pamilyar sa kalakaran ng bidding sa DOTC, kagagawan umano ng ‘DOTC Mafia’ ang sorpresang pagkabasura ng alok ng Digitext dahil sa mga lumahok sa proseso, hindi umano ang Digitext ang inaasahang mananalo sa bidding.

“Matagal na ang sindikato sa DOTC; basta malalaking kontrata, pinipili na agad nila kung sino ang dapat manalo.

“Kung may makalusot na iba, siguradong babagsak sa post-qualification stage. Ganito ang nangyari sa Digitext,” diin pa ng mga ito.

Sa rekord, naisumite sa BPO ang business permit noong Enero 18, dalawang araw matapos lumabas ang business permit.

Mayroon din umano silang naisumiteng Bill of Quantity sa BAC, taliwas sa natanggap na ulat ni Lotilla.

Idinagdag pa ng Digitext na lahat ng ligal na paraan ay gagawin nila upang mabalik ang tiwala sa kanila ng publiko at mapatunayang mali ang mga bintang laban sa kanila.

AYON

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BILL OF QUANTITY

DIGITEXT

DIGITEXT ASIA

JOSE PERPETUO LOTILLA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA BUSINESS PERMIT OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with