MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsisiÂmula ng campaign period para sa mga kumakandidato sa national position, pormal na ring inilunsad ni Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn ang kanyang kandidaÂtura sa pagkasenador.
Nagsagawa ng motorcade ang grupo ni Hagedorn sa kabuuan ng Tondo sa Lungsod ng Maynila kasama ang mga kandidata ng Ms. Earth Philippines.
Kasama sa inikutan ng motorcade ni HageÂdorn ay ang Roxas blvd., del Pan, Moriones, Wagas at Lakandula sa Tondo.
Samantala, pinakikilos din ni Mayor Hagedorn ang DILG para magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isa sa mga testigo sa pagpatay sa nasabing mamamahayag.
Ginawa ni Hagedorn ang panawagan maka raang lumutang sa re-autopsy na isinagawa ng forensics department ng Public Attorney’s Office na si Dennis Aranas, akusado at testigo sa pagpatay kay Ortega, ay pinahirapan at pinatay makaraang maÂdiskubre ang mga pasa at marka ng kalmot sa kanyang leeg na indikasyon na ito ay sinakal.
Nababahala si Hagedorn na hindi malayong matulad sina Bumar at Recamata sa sinapit ni Aranas kaya kasabay nito, umapela siya sa gobÂyerno na sa halip na itulak sa panganib ang dalawa ay bigyan ng kaÂukulang proteksyon.