MANILA, Philippines - Kasama sa mga pagpipiliang papalit sa nagbitiw na Santo Papa na si Pope Benedict XVI si Manila Cardinal Luis Antonio Tagle.
Inihayag ito ni CaÂtholic Bishops ConfeÂrence of the Philippines (CBCP) ExecuÂtive Secretary Fr. Francis Lucas matapos maÂging usap-usapan ang pagkakasali umano ni Cardinal Tagle sa mga posibleng pagpiÂlian bilang Santo Papa.
Pagkatapos ng PebÂrero 28 ay magbibilang ng 15-20 araw kung saan dapat na ring simulan ng Conclave of Cardinals ang pagpili.
“Pero tandaan din natin 42% ng total Catholic population nasa Latin America...pero compared ang Asia sa mga member ng Catholics sa Africa at Latin America, mas konti tayo,†ani Lucas.
Ayon kay Lucas, posibleng umabot sa 118 ang makasama sa botohan at two-thirds ang dapat makuhang boto para maluklok na bagong Santo Papa.
Kasama rin sa mga maaaring pumalit kay Pope Benedict ay sina Cardinal Joao Braz de Aviz, 65, Brazil; Cardinal Timothy Dolan, 62, UniÂted States; Cardinal Marc Ouellet, 68, CaÂnada; CarÂÂdinal GianÂfranco Ravasi, 70, Italy; Cardinal LeoÂnardo Sandri, 69, ArgenÂtina; Cardinal Odilo Pedro Scherer, 63, Brazilla, Cardinal Christoph Schoenborn, 67, Austria; Cardinal Angelo Schola, 71, Italy; Cardinal Luis Tagle, 55, Philippines; at Cardinal Peter Turkson, 64, Ghana.
Si Pope Benedict, 85, ay nahalal bilang pontiff noong 2005 matapos na sumakabilang-buhay si Pope John Paul II. Sa loob ng 600 taon, ngaÂyon lamang nagbitiw ang isang Papa. Ang huling Pope na nagbitiw ay si Pope Gregory XII noong 1415.
Ikinagulat naman ng CBCP ang pagbibitiw ng Papa.
Ayon kay CBCP ExeÂcutive Secretary Fr. Francis Lucas, walang mag-aakalang magbiÂbitiw ang Santo Papa dahil maÂtagal nang walang nagbibitiw na lider ng SimÂbahang Katolika at karaniwang pinapalitan ito kung pumanaw na.
Gayunman, tanggap anya ng CBCP ang desisÂyon nito lalo’t maÂbigat ang ginawang pagÂdedesisÂyon nito sa harap ng kanÂyang kalusugan.