MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Atty. Persida Rueda-Acosta, chief ng Public Attorneys Office (PAO) na sadyang pinatay at hindi nag-suicide ang ikaÂlaÂwang testigo ng Doc Gerry OrÂtega slay case na si Dennis Aranas sa loob ng Quezon District Jail.
Ayon kay Atty. Acosta, batay sa isinagawang post mortem examination sa bangkay ni Aranas ay kiÂnakitaan ito ng mga pasa at galos sa katawan na indikasyon lamang na sad yang pinatay at hindi nagpakamatay ang testigo.
Sinabi ni Acosta, ang marka ng pagkakasakal sa leeg ni Aranas ay maÂbabaw lamang na kakaÂiba sa mga nagbigti na malalim ang magiging bakas.
Aniya, kung pagbabaÂsehan ang pagsusuri ay nakahiga si Aranas nang siya ay patayin at pinahirapan muna dahil sa nakitang pasa at galos sa katawan.
Samantala, ang kaligÂtasan ng ikatÂlong testigo sa Doc Gerry Ortega slay case ang pinangaÂngambahan ngayon na posibleng laÂÂlong magpahina sa kasong naÂkabinbin laban sa dalawang mataas na opisÂyal ng Palawan maÂtapos maÂmatay ang una at ikalÂaÂwang testigo.
Nababahala naman si Puerto PrinÂcesa City Mayor Edward Hagedorn sa kaligtasan ng ikatlong testigo na si Rodolfo ‘Bumar’ Edrad na posibleng ipapatay din.
Giit ni Hagedorn na kung nagawa ng mga utak sa pagpatay sa brodÂkaster na si Doc Gerry na ipapatay si Aranas sa loob ng selda at maÂgagawa rin nilang ipa-salvage si Edrad.
Anang Alkalde, ang testigong si Bumar ay siyang direktang nakipag-ugnay umano sa magkaÂpatid na akusado na sina Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes na ngayon ay kapwa nagtatago sa batas.
Si Bumar ay kinasuhan din sa ibang kaso ng pagpatay sa Lucena, Quezon na maari umanong ginawa lamang na paraan para maalis sa Witness Protection Program (WPP) at madaling maipapatay.
Sa kaugnay na balita, sinibak na sa puwesto ng Bureau of Jail MaÂnagement and Penology (BJMP) ang warden ng Quezon District Jail sa Lucena City na si Supt. Annie Espinosa kasunod ang kontrobersya hinggil sa umano’y pagpapakamatay ni Dennis Aranas, ang lookout sa kaso ng pagpatay kay Ortega. (Ludy Bermudo/Ricky Tulipat)