^

Bansa

Hindi nag-suicide: Witness sa Ortega pinatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Atty. Persida Rueda-Acosta, chief ng Public Attorneys Office (PAO) na sadyang pinatay at hindi nag-suicide ang ika­la­wang testigo  ng Doc Gerry Or­tega slay case na si Dennis Aranas sa loob ng Quezon District Jail.

Ayon kay Atty. Acosta, batay sa isinagawang post mortem examination sa bangkay ni Aranas ay ki­nakitaan ito ng mga pasa at galos sa katawan na indikasyon lamang na sad­ yang pinatay at hindi nagpakamatay ang testigo.

Sinabi ni Acosta, ang marka ng pagkakasakal sa leeg ni Aranas ay ma­babaw lamang na kaka­iba sa mga nagbigti na malalim ang magiging bakas.

Aniya, kung pagbaba­sehan ang pagsusuri ay nakahiga si Aranas nang siya ay patayin at pinahirapan muna dahil sa nakitang pasa at galos sa katawan.

Samantala, ang kalig­tasan ng ikat­long  testigo sa Doc Gerry Ortega slay case ang pinanga­ngambahan ngayon na posibleng la­­long magpahina sa kasong na­kabinbin laban sa dalawang mataas na opis­yal ng Palawan ma­tapos ma­matay ang una at ikal­a­wang testigo.

Nababahala naman si Puerto Prin­cesa City Mayor Edward Hagedorn sa kaligtasan ng ikatlong testigo na si Rodolfo ‘Bumar’ Edrad na posibleng ipapatay din.

Giit ni Hagedorn na kung nagawa ng mga utak sa pagpatay sa brod­kaster na si Doc Gerry na ipapatay si Aranas sa loob ng selda at ma­gagawa rin nilang ipa-salvage si Edrad.

Anang Alkalde, ang testigong si Bumar ay siyang direktang nakipag-ugnay umano sa magka­patid na akusado na sina Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes na ngayon ay kapwa nagtatago sa batas.

Si Bumar ay kinasuhan din sa ibang kaso ng pagpatay sa Lucena, Quezon na maari umanong ginawa lamang na paraan para maalis sa Witness Protection Program (WPP) at madaling maipapatay.

Sa kaugnay na balita, sinibak na sa puwesto ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) ang warden ng Quezon District Jail sa Lucena City na si Supt. Annie Espinosa kasunod ang kontrobersya hinggil sa umano’y pagpapakamatay ni Dennis Aranas, ang lookout sa kaso ng pagpatay kay Ortega. (Ludy Bermudo/Ricky Tulipat)

vuukle comment

ACOSTA

ANANG ALKALDE

ANNIE ESPINOSA

ARANAS

BUMAR

BUREAU OF JAIL MA

DENNIS ARANAS

QUEZON DISTRICT JAIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with