Malinis, disenteng halalan hingi
MANILA, Philippines - Nanawagan si Zambales Rep. at UNA senatoriable Mitos Magsaysay sa kanyang mga kapwa kandidato ng isang malinis at disenteng kampanya sa halip na magbatuhan ng mga paninira at black propaganda na siyang nakagawian na ng nagdaang mga halalan.
Sa kabila nito inaasahan na umano nito na ma giging challenging ang kampanya dahil sa lahat ng kandidato ay mayroÂong ibat ibang background at makakaikot din siya sa bawat sulok ng bansa upang makuha ang pulso ng bawat Filipino.
“Gawin nating naiiba ngunit mas maganda ang ating halalan ngaÂyong taon. Huwag natin itong hayaang maging baÂtuhan ng paninira at kasinungalingan. Gawin natin itong malinis at para sa taumbayan upang maÂkapagdesisyon sila batay sa ating mga track, plataporma at programa,†ayon pa kay Magsaysay
Si Magsaysay ay nanilbihan bilang kongresista sa loob ng tatlong termino sa unang distrito ng Zambales at naparaÂngalan bilang OutstanÂding Congressman sa loob ng anim na beses.
- Latest