MANILA, Philippines - Epektibo ang inilatag na mga checkpoint sa buong bansa dahil mayorya sa mga loose firearms na nasamsam ay mula rito kaugnay ng election gun ban.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. GeneÂroso Cerbo Jr., simula ng maglatag ng checkpoint at on-the-spot gun check operations ang PNP at AFP noong Enero 13 ay umaabot na sa 592 sari-saring mga armas na nakumpiska sa 675 mga naarestong katao. LumiÂlitaw rin na 602 rito ay nasakote sa checkpoint operations.
Nangunguna pa rin ang mga sibilyan sa piÂnakamaraming naaresto sa paglabag sa gun ban na umabot sa 602, 11 pulis, 11 empleyado ng gobyerno, 46 security guard, dalawang sunÂdalo, isang bumbero at isa ring CAFGU.
Bukod sa mga baril ay nakasamsam rin ang mga awtoridad ng 173 patalim, 20 granada at 157 mga eksplosibo.
Alinsunod sa ipinatutupad na gun ban ay taÂnging mga pulis, sundalo at iba pang law enforcement agencies na nakaÂuniporme at naka-duty ang maaring magbitbit ng mga baril. Ang mga VIPs at iba pa ay kailangan ng ‘exemption’ mula sa CoÂmelec.