Loren pumalag sa black prop

MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisimula ang kampanya para sa 2013 mid-term elections, umaarangkada na ang black propaganda at paninira laban sa ilang senador kung saan nabiktima sina Senators Loren Legarda, Francis “Chiz” Escudero at Antonio Trillanes.

Sa isang privilege speech, umangal si Legarda dahil sa kumakalat na text na nasasabing naghain siya ng panukalang batas na naglalayong bawasan ang leave credits at retirement benefits ng mga empleyado ng gobyerno.

“It has come to my knowledge that certain individ­­uals with ill motives have spread within several government institutions malicious, false, inaccurate and baseless information that I purportedly authored a bill which will reduce the leave credits and retirement benefits of our hardworking public servants,” ani Legarda.

Nilinaw ni Legarda na walang katotohanan ang nasabing black propaganda na malinaw naman uma­nong nais lamang siyang siraan sa mga emple­yado ng gobyerno.

Ayon pa kay Legarda, walang mambabatas ang maghahain ng nasabing panukala na magi­ging daan para mabawasan ang mga benepisyong natatanggap ng mga empleyado.

 

Show comments