MANILA, Philippines - May duda ang isang kongresista kay National Food Authority (NFA) administrator Orlan Calayag at dapat linawin nito ang kanyang citizenship dahil may mga balitang isa raw itong American citizen.
Sinabi ni House minoÂrity leader Danilo Suarez, kaÂilangan aksyunan ni CaÂlayag ang mga balitang kumakalat dahil pati sa kanya ay nakarating ang impormasyon na siya ay isang American citizen.
“Kung totoo ang information na isa na siyang American citizen, umaksyon na si Calayag dito at magpakita ng pruweba na tinalikuran niya ang kanyang American ciÂtizenship bago niya tiÂnanggap ang kanyang posisyon,†sabi ni Suarez.
Kahit anya may batas sa dual citizenship o ReÂpublic Act (RA) 9225, hindi puwedeng magka-posisyon sa gobyerno o tumakbo ito sa politika oras na dalawa ang chitiÂzenship niya.
Ayon kay Suarez, kailangan bumitiw muna, pumili o irenounce muna ng isang Filipino ang kanyang ibang citiÂzenship bago ito tumanggap ng posisyon sa gobyerno o kaya tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.
Sabi ni Suarez, si Calayag ay dumating sa Pilipinas noong Disyembre 19, 2012 at sinasabing gumamit ng American passport.
Si Calayag ay inupo ni Pangulong Noynoy Aquino bilang NFA administrator noong Enero 17, 2013 kapalit ni dating AdmiÂnistrator Lito Banayo na tumakbong congressman sa unang distrito ng Agusan del Norte.