^

Bansa

NFA administrator, US citizen?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May duda ang isang kongresista kay National Food Authority (NFA) administrator Orlan Calayag at dapat linawin nito ang kanyang citizenship dahil may mga balitang isa raw itong American citizen.

Sinabi ni House mino­rity leader Danilo Suarez, ka­ilangan aksyunan ni Ca­layag ang mga balitang kumakalat dahil pati sa kanya ay nakarating ang impormasyon na siya ay isang American citizen.

“Kung totoo ang information na isa na siyang American citizen, umaksyon na si Calayag dito at magpakita ng pruweba na tinalikuran niya ang kanyang American ci­tizenship bago niya ti­nanggap ang kanyang posisyon,” sabi ni Suarez.

Kahit anya may batas sa dual citizenship o Re­public Act (RA) 9225, hindi puwedeng magka-posisyon sa gobyerno o tumakbo ito sa politika oras na dalawa ang chiti­zenship niya.

Ayon kay Suarez, kailangan bumitiw muna, pumili o irenounce muna ng isang Filipino ang kanyang ibang citi­zenship bago ito tumanggap ng posisyon sa gobyerno o kaya tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Sabi ni Suarez, si Calayag ay dumating sa Pilipinas noong Disyembre 19, 2012 at sinasabing gumamit ng American passport.

Si Calayag ay inupo ni Pangulong Noynoy Aquino bilang NFA administrator noong Enero 17, 2013 kapalit ni dating Admi­nistrator Lito Banayo na tumakbong congressman sa unang distrito ng Agusan del Norte.

 

CALAYAG

DANILO SUAREZ

LITO BANAYO

NATIONAL FOOD AUTHORITY

ORLAN CALAYAG

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

SI CALAYAG

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with