^

Bansa

M’cañang kay Lozada: Sumunod na lang sa batas

Rudy Andal/Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi kinagat ng Malacañang ang ‘paawa effect’ ni NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo “Jun” Lozada Jr. bagkus ay pinayuhan itong sumunod na lamang sa proseso ng batas.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang sa media briefing kahapon, walang kaibigan o kakampi sa mata ng batas dahil kailangan na­ting sumunod sa proseso.

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Lozada sa 2 counts of graft case nito na inakyat ng Ombudsman sa anti-graft court.

Siniguro ni Carandang na hindi makikialam si Pa­ngulong Aquino sa kaso ni Lozada na ngayon ay subject ng arrest warrant ng Sandiganbayan.

Nahaharap sa kasong graft si Lozada kaugnay sa umano’y ginawa nitong pagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang kapatid at sa isang korporasyon na ko­nektado naman sa kanya at sa kanyang maybahay hing­gil sa pagpapaupa sa isang lote ng gobyerno nang siya pa ang pangulo ng Philippine Forest Corporation noong 2007.

Una rito ay paiyak na nagpa-interbyu si Lozada sa mga telebisyon matapos magpalabas ng arrest warrant ang anti-graft court laban sa kanya.  

 

AQUINO

CARANDANG

LOZADA

LOZADA JR.

MALACA

PHILIPPINE FOREST CORPORATION

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SEC

RICKY CARANDANG

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with