MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng mga guwardiya ng China BanÂking Corporation (CBC) ang kanilang bank manaÂger sa paratang na malupit ito at ‘matapobre’.
Ayon sa mga guwardiya ng CBC E. Rodriguez, Quezon City Branch Efren Gamao, Richard Boston, Alexander Vizzarra at Robby Tungol, walang katotohanan ang paratang ng umano’y magnanakaw na si Reynante Gante, guwardiya din ng nasabing bangko na ‘matapobre’ ang kanilang bank manaÂger na si Ana Maria Raquel Samala.
Sinabi ni Gamao, na siyang head guard ng CBC E. Rodriguez Branch, si Gante ay natulungan na rin ni Samala noong nagkasakit ang kanyang nanay, kung saan ang bank manager pa aniya ang bumili ng ticket ng suspek sa eroplano papunta at pabalik ng Davao, at binigÂyan din ng pera upang maipagamot ang maysakit na ina at binayaran din ang kanyang suweldo mula sa sariling bulsa ng bank manager.
Sa panig naman ni Vizzarra ay sinabi nito na nasilaw si Gante sa pera kaya nagawa nitong holdapin ang CBC noong Mayo 2012.
Noong Enero 23, 2013 matapos ang walong buwang pagtatago ay naÂdakip si Gante ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Sta. Inez San Luis. Agusan del Sur.
Iniharap sa media ni QCPD Dir. Sr. Supt. Richard Albano nitong EÂnero 25, 2013 si Gante at kanyang inamin na ang natangay niyang P1.2 milÂyong sa CBC ay kanyang ipinambili ng lupa at kaya umano nagawa niyang magnakaw ay bilang ganti niya sa kanyang ‘matapobreng’ bank manager na mariing naman pinabulaanan ng iba pang mga guwardiya.