MANILA, Philippines - Tinanghal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang lunsod ng Muntinlupa bilang Local Government Units (LGUs) na may pinakamaayos na mga pasilidad at modernong kagamitan sa pagpuksa sa sunog.
Matapos ang personal na pag-iikot sa iba’t ibang istasyon ng bumbero sa buong Kamaynilaan ay tinanghal ni BFP National Capital Region Director Santiago E. Laguna ang Muntinlupa bilang may pinakamaayos at presentable ang gusali ng pamatay sunog sa naturang lunsod, halos bago ang lahat ng kagamitan at maikukumpara na umano ito sa mga tanggapan ng pamatay sunog sa mga mas mauunlad na bansa bunga na rin ng suportang ipinapakita ng local government unit nito.
Isiniwalat naman ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro na kabilang sa mga bago at naiibang kagamitan ng Muntinlupa Fire Station ay ang dalawang firetruck na kayang rumesponde sa mga matatayog na gusali sakali mang magkaroon ng sunog sa mga matataas na palapag ng mga ito.
Ang isa sa dalawang modernong trak matatagpuan lamang sa Muntinlupa ay tinaguriang “Tsunami†na nagmula sa Japan at nagtataglay ng fire ladder na may habang apat na pung metro habang ang isa pa ay pinangalanang “Skywalker†dahil sa katangian din nitong rumesponde sa matataas na gusali.
“Talaga pong binibigyan natin ng pansin ang pagsasamoderno ng ating fire brigade para mapagÂhandaan lagi ang sunog, lalo na ngayong malapit na naman ang fire prevention monthâ€, ayon pa kay San Pedro.
Samantala, tinukoy din ang pinakawala sa ayos na ahensiya ng pamatay sunog sa Metro Manila na sinasabing pinakadelikadong lugar sa buong bansa kung sunog ang pag-uusapan bunga na rin ng dikit-dikit nang iba’t ibang uri ng struktura.
Ang pamatay sunog ng Taguig na pinamumunuan ni Mayor Lani Cayetano, asawa ng reelekÂsiyunistang si Senador Allan Cayetano naman ang natukoy na pinakamahinang klase sa NCR dahil ang tanggapan nito ay nasa loob lamang ng improvised na container van ang opisina at hindi pa umano namamantini ng maayos .