Hepe ng QC-BFP ‘wag palitan - Bistek
MANILA, Philippines - Sa pagsusumikap na mapanatili ang pagiging hepe ng fire district, ibinaling ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pagsasabing ang pagpapalit ay hindi pa nararapat sa kasalukuyan dahil malalagay lamang umano sa pagkabinbin ang tulong na ilalaan ng local government sa kagawaran.
Napa-ulat na ang Bureau of Fire Protection ay nagtutulak na ilipat si Senior Supt. Bobby Baruelo at palitan ng mas batang opisyal.
Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ng alkalde, kinokonsidera ng BFP si Supt. Jesus Fernandez bilang kapalit ni Baruelo.
Si Fernandez ay mahabang naglingkod bilang commander ng Region II at hindi man lamang naitalaga sa Metro Manila.
Sa sulat kay DILG chief, inulit ni Bautista ang posisyon ng city government na walang pangangailangan para palitan si Baruelo ngayong nasa estado sila ng preparasyon.
Dagdag pa ng alkalde na anumang hakbang para ipatupad ang paglilipat, pagtatanggal, o paggalaw sa career service employees ng pamahalaan ay sasalungat sa statutory ban ng Commission on Elections.
Matapos ang election ban, hihilingin ni Bautista kay Roxas na maglaan sa kanya ng shortlist ng kandidato para maikonsidera niya.
- Latest