MANILA, Philippines - Itinutulak sa Kamara ang pagbibigay ng libreng dialysis sa mahihirap na pasyente dahil dumarami ang bilang ng nagkakasakit nito.
Naghain si Rep. RoÂger Mercado sa Kongreso ng House Bill 6784, dahil hindi na raw biro ang mga nagkakasakit at kailangan magamot sa pamamagitan ng dialysis pero ito aniya ang problema dahil karamihan ng gustong magpa-dialysis ay umaatras dahil sa mahal ito.
Ayon kay Mercado, kailangan magkaroon ng mga kagamitan para sa libreng dialysis ang mga government hospital lalo na sa mga probinsiya para mapakinabangan ito ng mga mahihirap.
Sabi pa ni Mercado, kailangan ito ng mga kapuspalad kaya hindi sila dapat pabayaan ng gobyerno.
Itinatakda sa panukala ang Department of Health (DOH) na isama na sa taunan nitong budget ang pangangailangan sa pondo sakaling mapagtibay na ito.