^

Bansa

2,000 residente apektado ng bakbakang MNLF vs Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa halos 2,000 residente ang nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu.

Sa ulat ng Sulu Provincial Office, nasa 349 pamilya o kabuuang 1,870 katao ang nagsilikas sa tatlong barangay sa Patikul, Sul. Kabilang dito ang 261 pamilya mula sa Brgy. Da­nag, 66 sa Brgy. Kaunayan at 22 namang pamilya sa Brgy. Buhanginan.

Ang labanan ng mag­­kabilang grupo ay sumiklab noong Linggo dakong alas-7 ng uma­ga na nasundan nitong Lunes dahil sa agawan sa hostage partikular na ang Jordanian journalist na si Baker Atyani na binihag ng mga bandido noong Hunyo 2012.

Sa nasabing insidente, nasa 30 ang patay sa magkabilang panig.

Sa kasalukuyan, ayon naman kay Col. Orlando de Leon, Commander ng Army’s 2nd Brigade ay nakaalerto sila sa posibleng paglawak ng sagupaan sa pagitan ng magkabilang grupo upang bigyang proteksyon ang mga sibilyan sa lalawigan.

Napaula ang pagpapalakas pa ng pu­wersa ng MNLF upang muling­ magsagawa ng matindi at malakihang pag-atake laban sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Nagtitipun-tipon uma­no ngayon ang MNLF forces sa pamumuno ng Comman­der ng mga itong si Habier Malik upang planuhin ang muli ng mga ito ang pagsalakay sa kuta ng mga kalabang bandido.

Nabatid pa na determinadong rumesbak ang MNLF dahil pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang ilan nilang kasamahan.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BAKER ATYANI

BRGY

BUHANGINAN

HABIER MALIK

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SHY

SULU PROVINCIAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with