3 dakma sa pot session

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines  â€“ Tatlong kala­lakihan kabilang ang top most drug personality ang nasakote ng pulisya matapos maaktuhang nagtutulak ng droga at pot session sa Barangay Poblacion South sa  bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Norman Rañon, hepe ng Solano PNP ang mga suspek na sina Moises Gaco, 37, ng Barangay Nalubbunan, Quezon; isa sa top most drug personality; Eduardo Dela Cruz, 44, ng Lumabang Street at si Abay Datu, 23, fish vendor, ng Dupan Street, Barangay Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Giovanni Bacani, naaresto si Gaco matapos ang buy-bust operation.

Samantala, naaktuhan naman sina Dela Cruz at Datu sa pot session sa inuupahang apartment ng isa sa mga suspek.

Tinangka pa uma­nong paputukan ni Gaco ang pulisya subalit mabilis na nadisarmahan.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, isang cal. 45 pistol, mga bala at ibat-ibang drug paraphernalia na gamit sa pot session.

Show comments