MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamatayan ang isang alkalde habang lima katao naman ang nasugatan makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa restaurant sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte kahapon ng umaga
Ayon kay Major Edgardo Amores, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, bandang alas-11 ng umaga ng sumabog ang improvised explosive device (IED) sa isang restaurant sa bus terminal.
Kinilala ang nakaligtas na si El Salvador Mayor Jhonny Tawan-Tawan na nagkataong kumakain sa nasabing restaurant kaya sinisilip ang anggulong pulitika.
Ang pagsabog ay ikiÂnasugat ng lima-kaÂtao kabilang sina Cheryl Bernales, Pedro de la Vega at si Saipudin Bocay na mabilis na isinugod sa ospital.
Bago ang insidente, isa umanong motorsiklo ang nagmamadaling humarurot palabas ng bus terminal kasunod nito ay ang malakas na pagsabog na ikinasugat ng mga biktima.
Magugunita na noong nakalipas na buwan ay anim katao ang nasuÂgatan matapos namang sumabog ang bomba na itinanim sa bisikleta malapit sa jewelry store sa Iligan City, Lanao del Norte.