MANILA, Philippines - Umabot na sa 474 katao ang naaresto sa Comelec gun ban.
Ayon sa National Election Monitoring and Action Center ng PNP, sa 474 violators, 424 ay mga sibilyan, 33 security guards, walo ang government officials, pito ang mga pulis, isa ang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit at isa mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa mga naaresto ay nakakuha sila ng 423 baril, 111 patalim, walong airguns, 13 granada, limang iba pang explosive devices at 2,155 ammunition.
Ang election gun ban ay sinimulan ng PNP nitong Enero 13, 2013 at magtatapos hanggang Hunyo 12, 2013.
Sa panahon ng gun ban, lahat ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence na inisyu ng PNP sa mga qualified licensed gun holders ay suspendido at tanging mga law enforcers na naka-duty at naka-uniporme ang exempted mula sa ban.